Elisse Joson, umiyak nang humingi ng paumanhin sa ina

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 12:25 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Bumuhos ang mga luha ni Elisse Joson sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles sa paghingi niya ng paumanhin sa kanyang ina.

Pag-amin ni Elisse, may hindi sila pagkakaunawaan ng kanyang ina na siyang tanging kasama niya sa paglaban sa buhay. Kasama rin ni Elisse na bumisita sa "Magandang Buhay" ang kanyang mommy Barbie.

"Actually po kasi hindi kami okay ni mommy ngayon pero gusto po naming gawin ito kasi we also want to share with you guys 'yung binuild namin na business and also para ma-share din sa ibang tao na hindi dahil nawalan ng trabaho during quarantine eh wala na tayong puwedeng magawa at wala na tayong puwedeng gawin para kumita in a different way," ani Elisse.

"Alam ko po gusto niya ring ma-share sa lahat po 'yung Bites. I want it to do this for her itong pagpunta namin sa 'Magandang Buhay' kasi we put this business kaming dalawa, so tulungan pa rin kami," dagdag paliwaang ni Elisse bago ito humingi ng paumanhin sa kanyang ina.

"So kung anuman po ang disagreement natin recently, sorry po. Sorry," ani Elisse sa kanyang ina.

Tugon naman ng ina ni Elisse, ang kabutihan lang ang nais niya para sa kanyang anak.

Magkasamang itinatag nina Elisse at ng kanyang ina ang kanilang food business na Bites By Stylisse.

Ngayon ay sarado ang restaurant ni Elisse. Pero aniya, patuloy na tumutulong sa mga batang nangangailangan ang kanilang negosyo na ngayon ay online muna.

"Kapag bumili kayo ng cheesecakes na ginagawa namin ay we share part of the sales," ani Elisse.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.