Boy Abunda: 'Nanay is still the center of my life'

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2020 01:38 PM

MAYNILA -- Nanatiling sentro ng buhay ni Boy Abunda ang kanyang ina na si Licerna "Lesing" Romerica Abunda na pumanaw noong Disyembre 2019. 

Sa online show na "Rise and Shine" nitong Miyerkoles kung saan kasama ring hosts ni DJ Jhai Ho sina Belle Mariano, Anthony Jennings at Charlie Dizon, sinabi ni Boy na ang kanyang nanay ang motivation at inspirasyon niya sa kanyang mga ginagawa.

"Hanggang ngayon sentro pa rin ng buhay ko ang aking nanay. She passed on December 1 of 2019. Akala ko noon kapag wala na ang nanay ay hindi na siya sentro. Hindi. Even in the afterlife, nasa heaven na siya kasama ni God, nanay is still the center of my life," ani Boy.

"Siya ang compass ko. Kapag mayroon akong mga gagawing bagay, tinatanong ko, kapag ginawa ko ba ito, ano kaya ang sasabihin ng nanay? Kapag ginawa ko ba ito, ikararangal ba ako ng nanay ko? Kapag ginawa ko ito, ikatutuwa ba ito ng nanay ko?'' ani Boy.

Matatandaang kilala ang "King of Talk" sa kanyang pagmamahal sa kanyang ina. Itinatag pa nga niya ang foundation na Make Your Nanay Proud.

"I want to be able to remind children around the country and in the world that if only children can deliberately or even subconsciously do anything they do to make their mama proud, this would be a better world. Yes, until this very day, she continues to inspire me," ani Boy.
 
Narito ang "Rise and Shine" tampok si Boy Abunda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.