'We're not on bad terms': Inigo, nilinaw ang estado ng relasyon nila ni Maris

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 01:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Binigyang linaw ni Inigo Pascual na tuloy pa rin ang pelikula nila ni Maris Racal.

Kuwento ni Inigo sa naganap na launch ng kanyang single na "Options," nasa post-production na ang pelikula.

"I'm going to be dubbing real soon. Si Maris kaka-dub niya lang. We're almost done with the process," ani Inigo.

Dagdag pa ni Inigo, hindi niya tinatalikuran ang kanyang showbiz career dito sa Pilipinas.

"I'm not saying I'm fully leaving Philippines, hindi po mangyayari 'yun. Like what I said, I will always be representing our country. Being born a Filipino I feel like I should never be ashamed of that and I should be more proud of it," ani Inigo.

"Hindi po 'yun mawawala (ang showbiz career). I have a movie coming up, I'm still working for some endorsement here (in the Philippines). It's not I'm migrating to the States," dagdag ng mag-aawit.

Hindi rin daw nagtatapos ang mabuting pagkakaibigan nila ni Maris at tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. 

"Before I left for the States, before I did the whole radio tour in the States, she messaged me saying congratulations and good luck and it meant a lot to me. To be able to have the support of my friends, it meant a lot," ani Inigo.

"We're good. We're friends. I know a lot of things has been happening when I was away, when I'm out the country and this is inevitable... We're okay honestly. We're not on bad terms," ani Inigo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.