Lorna, inanunsiyo ang 'pagbabalik' ni Daboy sa ABS-CBN

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 12:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Masayang ibinalita ni Lorna Tolentino ang muling pagbabalik ni Rudy Fernandez sa ABS-CBN.

Kuwento ni Lorna, hindi magtatagal ay magsisimula nang ipalabas ang mga pelikulan ng kanyang yumaong asawa na si Rudy na kilala rin sa palayaw na Daboy.

"Nagbabalik si Daboy sa ABS-CBN. Nag-meeting na kami ng ABS-CBN para sa mga pelikula ni Daboy. ...First time lang namin mag-meet, aayusin pa namin. Pero sure na po 'yun," ani Lorna.

Dahil kilala ang ABS-CBN sa proyekto nitong sagip-pelikula, ayon kay Lorna, bukas siya sa posibilidad na pag-restore din ng ilan sa mga naiwang pelikula ni Daboy.

"Mayroon kaming mga na-HD na, but 'yung restoration kasi eventually siguro. Medyo may kamahalan ang pag-restore kasi talaga," ani Lorna.

Sa telebisyon, kinakapitan ang papel ni Lorna sa top-rating teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" bilang si Lily Ann Cortez.

Natutuwa siya sa netizens na ginagawang love team ang samahan nila nina Rowell Santiago at Gardo Versoza sa serye.

"'Yung iba nagke-create sila ng love team may CarLy na nga eh, CarLy Tops, Oscar-Lily 'yun. Tapos meron din LazLy, Lazaro-Lily 'yun. So parang 'di ko malaman din kung ano," ani Lorna.

Inaasahan ang mas marami pang pasabog sa character ni Lorna at sa teleseryeng "Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.