Direk Antoinette, ipinasilip ang mystery girl na bibida sa 'Fan Girl'

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 12:32 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Antoinette Jadaone (@tonetjadaone) on

MANILA -- Ipinasilip na ni direk Antoinette Jadaone ang mystery girl na makakatambal ng aktor na si Paulo Avelino sa pelikulang "Fan Girl."

Sa Instagram, ibinahagi ni direk ang retrato na tila kuha sa isang eksena sa pelikula kung saan kasama na ni Paulo ang mystery girl pero may takip pa ang mukha.

Matatandaang nitong Pebrero noong i-anunsiyo ni direk Antoinette na naghahanap siya ng bagong talento na bibida sa "Fan Girl."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.