'Babalik siya': Teresa Loyzaga, nagsalita na sa pinagdaanan ni Diego

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2019 11:36 AM | Updated as of Jul 01 2019 11:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nalalapit na ang pagbabalik Diego Loyzaga sa showbiz, ayon sa kanyang inang si Teresa Loyzaga.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, nagpasalamat si Teresa sa lahat ng mga taong walang sawang nagpapahatid ng suporta at pagmamahal sa kanyang anak na napabalitang dumaan sa isang matinding pagsubok.

"Ang daming tumatawag sa amin nagpapa-schedule. Ang daming 
humihingi na mag-attend si Diego. Ayaw namin kayong i-let down. Soon we will be able to give you a date and we will be able to say yes. Right now let's wait in happy anticipation. Again, thank you dahil 'yung suporta po niyo ay napakalaking tulong sa amin," ani Teresa.

"I promise you the day will come when he returns, hindi namin kayo bibitinin. Hindi namin kayo pagsu-suwapangan ng panahon, oras at talento. Babalik siya. At pagdating ng araw na 'yon, happy na again," dagdag niya.

Masaya ring ibinahagi ni Teresa ang pinagkakaabalahan ngayon ng kanyang anak.

"Right now, Diego has decided na wala muna akong gadgets. Talagang lahat 'yan out. He is maturing and he's realizing what little things actually mean," ani Teresa. 

"Ngayon gusto niya mag-take over ng kusina, nagluluto na. ... at saka gusto niya makialam sa garden ko, 'yung mga gulay na tinatanim ko." 

Ibinahagi rin ni Teresa na nais ni Diego na mag-aral.

"Now he wants to go to school. He wants to study directing. Sabi ko why not? Kasi he has an eye, magaling siya sa camera talaga. Alam niya ang shots, alam niya 'yung codes, sabi ko good on you. So refocus, 'yun lang 'yon. It's a good thing you stop muna, take a break, reassess, refocus and then go," ani Teresa.

Sa programa, naging bukas din si Teresa sa pinagdaanang pagsubok ng anak, may ilang buwan na ang nakaraan.

"Actually hindi ko ise-sentro na si Diego lang. Parang napansin ko lang sa society natin, hindi masyadong napag-uusapan ang depression. At the more na hindi natin ito pinag-uusapan, the more hindi natin ito maiintindihan. 

"Kahit ako dumaan din ako sa depression, noong na-realize ko na mag-isa lang ako, paano ko itataguyod ang pamilya ko and all that, tapos ito ganito lang trabaho ko, paano ko babayaran ito. Ang daming questions. Alam mo you deal it one step at a time. You reach out, humingi kayo ng tulong. Ang maganda diyan kung mayroon kayong good family support, 'yung ipaalam mo sa miyembro ng pamilya mo. Huwag mong hanapin kung saan-saan," ani Teresa.

"Kasi kadalasan 'yung mga akala mong mga kaibigan mo ang intention nila is intention ng pamilya, hindi eh, hindi lahat. Masasabi ko na lang, kung kailangan niyo ng tulong huwag kayong mahiya na pumunta sa mommy niyo, sa daddy niyo, sa kapatid niyo, tita niyo, lola niyo. In my case, I'm your mom tell me, make me part of that. It's not your problem alone, problem natin 'yan. So ang solusyon sa atin din. Huwag mong sosolohin kasi kung ikaw lang talaga, masisiraan ka. So you have to reach out at 
huwag kang matatakot. Hindi kahiya-hiyang aminin na 'Hey malungkot ako, mayroon akong hindi maintindihan.' The more you are vocal about it, the more mahahanapan natin ng solusyon, tapos gaganda ang buhay," dagdag ni Teresa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.