PatrolPH

Super Junior, muling pinakilig ang Pinoy fans

ABS-CBN News

Posted at Jul 01 2018 11:27 PM

Watch more News on iWantTFC

Muling pinakilig ng Korean boy group Super Junior ang kanilang mga fans sa Pilipinas sa kanilang pagbabalik.

Matapos ang limang taon mula nang huli silang nag-concert sa bansa, bumalik ang Super Junior para sa kanilang "Super Show 7."

Masayang-masaya naman ang kanilang mga tagahanga, kabilang na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagkaroon pa ng pagkakataong makilala ang miyembrong si Siwon.

Para sa mga fans, sulit ang limang taong paghihintay para muling makita ang kanilang mga idolo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.