PatrolPH

Ejay Falcon pormal nang nanumpa bilang bise governador ng Oriental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2022 11:59 AM

Pormal nang nanumpa bilang bagong bise gobernardor ng Oriental Mindoro ang aktor na si Ejay Falcon.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Falcon ang mga retrato na kuha mula sa kanyang inagurasyon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)

"Maraming maraming salamat po Oriental Mindoreños," pagbabahagi ni Falcon sa kanyang Instagram page.

Mayo 10 nang na naiproklama si Falcon bilang bagong bise gobernador at ang nagwaging gobernador na si Bonz Dolor.

Sa nakaraang post niya sa Instagram, nagpasalamat si Falcon sa lahat ng mga sumuporta at bumoto sa kanya.

Si Falcon, 32, ay lumaki sa bayan sa Pola, Oriental Mindoro.

Gumawa ng pangalan sa showbiz si Falcon nang maging big winner sa teen edition ng “Pinoy Big Brother” noong 2008.

Naging leading man ng iba't ibang serye ng ABS-CBN si Falcon tulad ng “Pasion de Amor” at “Dugong Buhay.”

Isa ring Philippine Air Force reservist si Falcon na nakumpleto ang training noong 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.