PatrolPH

Alwyn Uytingco, humingi ng tawad kay Jennica Garcia

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2021 11:41 AM

MANILA -- Pagmamahal at kapatawaran. 

Ito ang mensahe ng aktor na si Alwyn Uytingco para sa kanyang misis na si Jennica Garcia.

Sa kanyang Instagram account nitong Martes, Hunyo 29, humingi ng dispensa ang aktor sa lahat ng mga kasalanang nagawa.

"Mahal kita, @jennicauytingco. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Patawad sa lahat ng pagkakamali ko. Di mahalaga kung ano sabihin nila.. ang mahalaga para sa 'kin ay mga salita na manggagaling sayo," ani Uytingco sa caption.

"Natalisod man ako, hindi ko hahayaan na nandito lang ako. Babangon ako, mahal. At patuloy na babagtas patungo sayo. Mahal na mahal kita," dagdag ni Uytingco.

Matatandaang sa mga nakaraang post ni Uytingco tungkol sa kanyang misis at mga anak ay naging sunod-sunod din ang banat sa kanya ng ina ni Jennica na si Jean Garcia, 

Sa comment section sa mga naging post ni Uytingco ipinadaan ni Garcia ang pagpuna sa aktor.
 
“Talaga ba 'yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sa 'yo... respeto kasi 'yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindahan tayo! Okay ka lang ba?!” ani Garcia sa isa niyang komento.

“Haaayyy kawawa kasi ikaw 'di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sa 'yo, 'di ka marunong rumespeto sa mother in law mo… 'yun lang naman… just saying!!!” ani Garcia sa isa pa niyang komento. 

Huling linggo ng Mayo nang ibahagi ni Uytingco ang pangungulila sa mga anak na babae nila ni Jennica na sina Athena Mori at Alexis Severina.

Ito ay ilang linggo matapos magbenta si Jennica ng mga lumang kagamitan na ayaw na niyang dalhin sa bagong lugar na lilipatan nila ng kanyang mga anak para makapagsimula muli.

“Start fresh, ika nga,” ani Jennica sa Instagram.

Nitong Hunyo nang magsimulang magparamdam si Uytingco sa kanyang misis, ilang buwan matapos lumabas ang balitang hiwalayan nila.

Ikinasal sina Jennica at Uytingco noong Pebrero 2014. 

Related video:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.