Arjo, gagampanan ang buhay ni Rocky Gathercole sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2017 11:14 AM

MANILA - Muling magpapakitang-gilas sa pag-arte si Arjo Atayde sa espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya (MMK)." 

Gagampanan ng aktor ang buhay ng sikat na Pinoy fashion designer na si Rocky Gathercole. 
 
Makakasama ni Arjo sa nasabing episode ang aktor na si Zaijian Jaranilla bilang batang Rocky, at ang muling nagbabalik sa telebisyon na si Fanny Serrano.

 

A post shared by fannytfserrano (@fannytfserrano) on

Tampok din sa nasabing palabas sina Pooh at Nonie Buencamino. 

Sa direksyon ni Nuel Naval, ang espesyal na episode ng "MMK" ay ipapalabas ngayong Sabado, July 1, pagkatapos ng "The Voice Teens." 

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.