Homeless Jiro Manio seen begging for food at NAIA

By Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2015 07:57 PM | Updated as of Jul 01 2015 11:41 PM

Humingi ng tulong ngayon ang pamilya ni Jiro Manio sa mga nagmamalasakit na sektor na tulungan ang pagtustos ng mental rehabilitation ng dating child actor.

Ito'y matapos makita siyang madumi at palaboy-laboy sa NAIA Terminal 3 at nanghihingi ng pagkain.

Inamin ng amang si Andrew Manio sa ABS-CBN News, naglayas si Jiro
matapos niya itong makaaway noong Sabado.

Noong 2015, sumailalim umano sa pangalawang drug rehabilitation si Jiro pero hindi ito nakumpleto dahil sa kakulangan ng pera.

Matatandaang sumikat si Jiro sa family drama movie ni Direktor Maryo delos Reyes na "Magnifico" noong 2004.

Noong 2011, pinamahalaan ni delos Reyes ang unang drug rehabilitation ng aktor. Sana raw kahabagan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang dati niyang alaga.

Kailangan daw nito ng mas matibay na suporta at rehabilitasyon.