BAHRAIN - Isang flag raising ceremony ang ginanap sa Philippine Embassy sa Manama, Bahrain para sa pagdiriwang ng ika-124 taong anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Dumalo sa makasaysayang araw ang mga opisyal ng embahada at mga miyembro ng Filipino community.
“Ang Embahada ng Pilipinas sa Manama, Bahrain ay lugod na bumabati sa lahat ng Filipino community members ng Happy Independence Day. Ang tema sa taong ito ay ini-encourage tayong lahat to rise to the challenges of a new beginning. At very fitting ang tema na ito dahil maraming pagbabago ang dinanas natin kasama na ang pandemya at mukhang nakakarecover na tayo,” sabi ni Anne Jalando-on Louis, Charge de’ Affaires, Philippine Embassy-Manama.
Todo ang saya sa okasyon, pati mga opisyal ng embahada, nagpakitang gilas din sa kanilang mga talento sa pagkanta at pagsayaw.
“As a Filipino-American and a captain in the United State Navy, I am proud to join today’s celebration of the Independence Day it’s been fun to watch the programs and the dances and the singers so we really enjoyed today’s events,” sabi ni Captain Ernan Obellos, Filipino-American community leader.
“Ilang panahon din na tahimik, nasa mga bahay lang ang mga OFW makikita mo ngayon na nagsasasama-sama at ipinagdiriwang ang isang simbolikong kasaysayan ng ating bansa,” sabi ni Cecille Ancheta, community leader.
Dinagsa naman ng mga Pinoy ang Philippine Fiesta celebration sa Cultural Hall ng Bahrain. Pasiklaban sa pagsayaw at pagkanta ang mga kababayan.
“Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nakisaya at nag-participate sa ating celebration,” sabi ni Ric Advincula, Filipino Club President.
Highlight ng programa ang pagdalo at pagpapasaya ng Darna lead stars na sina Jane de Leon at ka-loveteam na si Joshua Garcia.
“Nakita naming masaya sila, nag-e-enjoy sila. First time naming actually pumunta dito kaya sana makabalik ulit kami," sabi ni Jane de Leon, bagong Darna.
Si Joshua mas nagpakilig sa pagtugtog ng kanyang gitara.
“Happy Fiesta sa inyong lahat and I’m really happy to be here. Sobrang saya ko kasi it’s my first time din tumugtog ng gitara kaya success naman sya. Sana maulit na makabalik ulit ako dito,” sabi ni Joshua.
Todo ang saya ng Pinoy fans sa pagkakataong makita ang Kapamilya stars.
“Naku talagang ang saya-saya ko nung makita ko sila Joshua at ang Darna ng Pilipinas. Ewan ko kung ano ang pakiramdam ko ngayon, haping-happy talaga ako,” sabi ni Divina Reyes, dumalo sa Philippine Fiesta celebration.
“I know for sure that all our kababayans here in Bahrain had a great time " sabi ni Romeo Tagulao, dumalo sa Philippine Fiesta celebration.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Gitnang Silangan, Europa at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
KAUGNAY NA VIDEO: