PANOORIN: Dating child star na si Sam Shoaf, binata na sa Amerika

ABS-CBN News

Posted at Jun 29 2020 12:48 PM | Updated as of Jun 29 2020 04:31 PM

MAYNILA -- Binata na ang dating "The Voice Kids" contestant at "Umagang Kay Ganda (UKG)" kiddie host na si Sam Shoaf.

Sa "UKG" nitong Lunes, muling nakausap ng mga host ng pang-umagang programa si Sam na ngayon ay naninirahan sa Amerika kasama ang kanyang pamilya.

"Sobrang na-miss ko kayo lahat. I just want to say hello sa inyo. Okay naman po kami rito ngayon po ay quarantine season kaya siyempre ang ginagawa namin dito ay home activities lang pero bukod po roon we are doing great," ani Sam 
Ayon kay Sam, plano niya bumalik sa Pilipinas ngayong taon pero mukhang hindi muna ito matutuloy dahil na rin sa sakit na COVID-19.

Si Sam ay anak ng dating mang-aawit na si Arnee Hidalgo na sumali sa "The Voice Kids" noong 2014.

Narito ang panayam ng "UKG" tampok si Sam Shoaf.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.