PatrolPH

Tommy Abuel, nagpaalam na sa 'FPJ's Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2022 01:54 PM | Updated as of Jun 28 2022 02:20 PM

MAYNILA -- Nagpaalam na si Don Ignacio, ang karakter na ginampanan ng batikang aktor na si Tommy Abuel, sa sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nitong Lunes, matapos mahuli ng grupo nina Armando (John Estrada) at Lolita (Rosanna Roces), pinahirapan muna bago tuluyang pinatay sa pamamagitan ng pagbaril at pagsunog si Don Ignacio bilang kabayaran sa lahat ng kanyang mga naging kasalanan.

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC

Sa social media post ng Dreamscape Entertainment, nagpasalamat ang show producer kay Abuel sa pagganap nito bilang si Don Ignacio.

"Paalam, Don Ignacio. Maraming salamat, Mr. Tommy Abuel!" ayon sa post.

Matatandaang Agosto 2021 nang kumpirmahin ng Dreamscape ang pagpasok ng ilan pang mga bituin sa "Ang Probinsyano," kabilang na si Abuel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.