Kim Chiu sumabak sa 'Commander Dance Challenge' sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2020 02:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isa sa mga pinakasikat na dance challenge ngayon ang "Commander Dance Challenge," hango sa opening number ng 2010 Miss Universe.

Tampok a dance challenge ang mala-beauty queen na pagrampa ng mga lumalahok nito habang sinasabayan ng kantang "Commander" ng Amercian singer na si Kelly Rowland.

Hindi inurungan ni Kim Chiu ang dance challenge, na kaniyang itinanghal sa "ASAP Natin 'To" ngayon Linggo.

Itinampok din sa ASAP ang mga binansagang "Siargao Babes," 3 miyembro ng LGTB community na nakilala sa social media dahil sa pagsabak sa naturang dance challenge.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.