Edu Manzano, natutong mag-gardening nitong lockdown

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 03:26 PM

MAYNILA -- Pinagkakaabalahan ngayon ng aktor na si Edu Manzano ang pagtatanim.

Muling nakakuwentuhan ni Edu ang mga host ng "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes para sa pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng pang-umagang programa ng ABS-CBN.

"As you know, medyo kaming nakakatanda nang konti sa inyo, of course, we're confined to barracks, ika nga. Natuto na rin akong mag-gardening. Natuto akong mag-trim ng bonsai," kuwento ni Edu.
 
"Tinuturuan din ako ng cook ng sinasabing mga sinigang. Kasi alam niyo naman dati ang schedule natin, halos hindi tayo pumipirmi sa bahay. Tatawag ka lang, 'O babalik ako. Gawan mo ako ng sinigang.' Ganoon, wala kang chance talaga na tumagal. Lately, sabi nga you have nothing on your hands but time. So ayaw kong nabo-bored. Nagtayo ako ng illang hawla rin para sa mga aso, alam niyo mahilig ako sa mga aso. So binigyan ko ng matinong let's say place for them to stay na kumportable, malamig at hindi kung saan-saan sila pakalat-kalat doon sa property," ani Edu.

Bilang parte noon ng "Umagang Kay Ganda," pinasikat ni Edu na dance craze na "Papaya."

"Those were the days. But I have to admit na 'yung time ko sa 'UKG' was very eventful, punong-puno ng aksiyon. .Actually kahit puyat, happy ako na nagigising ako. Doon na ako matatakot kung hindi na ako magigising," birong pahayag ni Edu.

Sa huli, inanyayahan ni Edu ang publiko na patuloy na suportahan at panoorin ang "UKG."

Narito ang masayang kuwentuhan nina Edu at mga host ng UKG. Simulang panoorin ang video sa oras na 20:00 hanggang 31:20.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.