'PBB': Gino inamin na kay Kiara ang tunay na nararamdaman

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 11:51 AM

MANILA -- Matapos ang ilang linggong pagmumuni-muni, nakakuha rin ng lakas ng loob ang "Pinoy Big Brother: Otso" housemate na si Gino Roque IV para pormal nang tanungin ang kapwa housemate nitong si Kiara Takahashi kung maari ba siyang manligaw.

Nitong Martes, sa tulong ng iba pang housemates ay nagawang sabihin ni Gino ang kanyang nararamdaman kay Kiara matapos niya itong haranahin.

Watch more in iWant or TFC.tv

"I'm not really good at this but alam mo naman na gustong-gusto kita. I just want to ask kung puwede akong manligaw sa iyo? But if you feel na parang it's too early, gets ko rin, handa naman akong maghintay," ani Gino kay Kiara.

"I've been thinking about it for a long time kasi I am medyo old fashioned. So siyempre I wanted to ask your permission if I could (court you), I just want to ask kung puwede akong manligaw sa iyo," dagdag na paliwanag ni Gino.

Matapos ang kanilang naging usapan, kinikilig na inamin naman ni Kiara sa ibang housemates na "oo" ang sagot niya sa tanong ni Gino.

Sa huli, ibinigay naman ni Big Brother o Kuya kay Gino at Kiara ang kanyang suporta.

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaang sabay na ipinakilala sa publiko sina Gino ang "Businessman Steel ng Quezon City" at Kiara ang tinaguriang "Singing Surfer ng La Union" sa naging pagbisita nila sa "Tonight With Boy Abunda" nito lamang nakaraang buwan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.