'I'm sorry': Baron Geisler, napaiyak dahil sa kapatid

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 01:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi na napigilan ng aktor na si Baron Geisler ang maiyak sa paghingi ng tawad sa kapatid na si Donnie Geisler.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, matapos balikan ang pinagdaanang mga pagsubok sa buhay dahil sa problema sa alkohol, bumuhos ang emosyon ni Baron nang magbigay siya ng mensahe sa kanyang kuya na walang sawang sumusuporta sa kanya.

"I actually just want to apologize to him. I'm sorry, Bro, I never listen. You were just like fending out for me. I was living a bohemian lifestyle and I thought I was just an artist and all of that but it didn't work out. Now, I understand what you really mean. Even when mom was alive. I love you very much, man. And thank you for supporting me all throughout hanggang ngayon," ani Baron.

Sa lahat nang pinagdaanan, sinabi ni Baron na ginagawa niya ang lahat para mas maging mabuti siyang tao.

"Kahit anong galing mo, parang sa workout, kailangan 10% lang 'yung talent, 90% ang attitude. I'm doing my best to be a better person," ani Baron na hindi mapigil ang pag-iyak.
 
At sa kanyang pagbabalik, sinabi ni Baron, na ngayon ay parte ng sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano," na ipapakita na lang niya sa gawa ang kanyang pagbabago.

"Gaya nang sinabi ko kay Coco Martin at sa lahat sa ABS-CBN, sabi ko hindi ako mangangako, I will just do it. Kasi itong disease o problema, itong nangyari sa akin, you take it one day at a time and it's a conscious effort, conscious decision to fight for your life, for your sobriety, for your mental health daily. It's not a joke. Aside from that, you have work, you have your family, you have your loved ones. It's sometimes... magulo. Pero with God nothing is impossible. He will give you strength. He gives me strength daily," ani Baron.

Bago pa man ang pagbuhos ng emosyon ni Baron, sinabi ni Donnie na proud siya sa nakikitang pagbabago ng kapatid.

"Actually hindi niya nakikita palagi na I'm proud of him. There are times na I want to bother him pero alam kong sobrang busy and I want to respect his busy time. Gusto ko na ma-realize niya na how good it is to be really busy and have a better purpose in life. Na what he is working for is not for anybody else but for himself at this point, kasi we all go through it.... Now I'm glad that I see him on TV. I keep on telling him before that I'd like to see you more on TV and thank God," ani Donnie.

Sa huli, nagbigay payo si Baron sa mga taong katulad niya ang pinapagdaanang sitwasyon.

"Ang mapapayo ko lang, it's all about accepting that you have a problem. Second, ask God right away for help. Thirdly, ask people for help because nobody can do it alone," ani Baron.