Direk Cathy, saludo sa pagiging propesyonal nina Kathryn at Alden

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2019 11:25 AM

Watch more in iWant or TFC.tv


 
MANILA -- Masayang nag-update ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa status ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na unang pagtatambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Proud si direk Cathy na natapos na ang kanilang shooting ng mga eksena.
 
"First time sa buong buhay ko na natapos ako ng shooting ng pelikula ko more than a month before the showing. In fact, almost two months before the showing to give way to proper post-production time," ani direk Cathy.

Nagbigay trivia pa si direk Cathy ng kakaiba niyang treatment kay Alden at Kathryn habang sila ay nagshu-shooting.
 
"First time ko ginawa sa mga artista ko na pinasabuhay ko sa kanya iyung totoong role niya. For Kathryn and for Alden, especially for Kaythryn dahil DH (domestic helper) siya, medyo inalila namin talaga siya sa Hong Kong," ani direk Cathy.

Malaki ang pasasalamat ng direktor kina Alden at Kathryn at sa buong cast ng pelikula na magbibigay saludo sa hirap ng mga kababayang Pinoy sa ibang bansa.
 
"Before leaving pa kinausap namin sila that they will not be treated any special. Sila ay ituturing na katulad lang naming manggagawa and they agreed and I am happy that they are professional enough to accept the conditions na meron ako," ani direk Cathy.

Nasa Thailand ngayon si direk Cathy para sa post-production ng "Hello, Love, Goodbye" na malapit ng ipalabas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.