PatrolPH

Winnie Cordero, bakit nga ba umiyak sa 'UKG'?

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2020 01:11 PM

MAYNILA -- Hindi napigilan ni Winnie Cordero ang maging emosyonal nitong Huwebes sa pagdiriwang ng "Umagang Kay Ganda" ng kanilang ika-13 anibersaryo.

Pag-amin ni Winnie, miss na miss na niya ang kanyang mga kasamahan sa programa.

Sa ngayon ay sa Facebook muna nagkikita ang mga host ng "UKG."

"Kahapon kasi lumabas ako ng bahay. Tapos nagpunta ako ng ABS-CBN. Tapos naikot ko ang buong bloke, mula sa Mother Ignacia, Sgt. Esguerra, Lopez Drive. Tapos nakita ko ang building walang tao, dati busy siya. Tapos 'yung ibang mga tindahan nagsara. Paglagpas ko parang naiyak ako. Sabi ko parang naramdaman ko bigla na sobrang na-miss ko talaga na pumasok sa studio at makita ang ibang kasamahan natin. Sorry naman at medyo naging emosyonal lang tayo," ani Winnie.

"Pasensiya na kayo. Malaking parte ng buhay ko ang paggising ng umaga," dagdag ni Winnie.

Bago pa ang pagluha ni Winnie, nauna nang ibinahagi ng kasamahan niyang si Anthony Taberna na nawawala ang pagod nila kapag nasa studio na sila dahil masaya sila sa kanilang ginagawa.

Narito ang nakakaiyak na tagpo sa "UKG" dahil kay Winnie Cordero. 

Simulang panoorin ang video sa markang 1:08:14 hanggang 1:11:14.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.