SB19, pangarap gumawa ng album na sila mismo ang sumulat ng mga kanta

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2020 01:16 PM

MAYNILA -- Para sa pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng "Umagang Kay Ganda," nakapanayam ni Jeff Canoy nitong Huwebes ang trending boy group na SB19.

Pag-amin ng mga miyembro ng grupo na sina Justin, Ken, Stell, Josh at Sejun, dahil sa lockdown ay miss na miss na nila ang isa't isa.

Sa panayam, ibinahagi rin ng grupo ang mga pinagkakaabalahan nila ngayong panahon ng quarantine. Maliban sa pagsusulat ng mga awitin, libangan din ng ibang miyembro ng grupo ang magluto.

Naging game rin ang SB19 na sagutin ang iba't ibang isyu tulad na lamang kung paano nila hinaharap ang mga basher.

Pangarap naman ng grupo na makapaglabas ng isang album na sila mismong lahat ang gumawa ng mga awitin.

"Pangarap po talaga ng grupo namin is parang mag-create ng fully produced, kung 'di man fully produced ay kami po ang nag-compose ng kanta para masabi po talaga na sa pure Filipino po nanggaling ang gawa po," ani Sejun.

Para rin sa mga manonood ng UKG, isang performance din ang ibinahagi ng SB19.

Simulang panoorin ang video sa oras na 1:12:26 hanggang 1:27:50.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.