Top 12 ng 'Idol PH', nagulat sa suporta ng fans

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 11:29 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinakilala na ang "Idol Philippines" Top 12 sa media fresh mula sa tensiyonadong episodes na napanood nitong weekend.

Anim na lalaki ang nag-qualify sa Magic 12 na sina Lance Busa, Renwick Benito, Matty Juniosa, Miguel Odron, Dan Ombao at Lucas Garcia.

Sina Matty at Lance, hindi akalain ang mabilis na pagdami ng kanilang supporters.

"Ecstatic, on cloud 9, para akong nananaginip. I think lahat tayo parang nananaginip," ani Matty.

"Sobrang na overwhelemed po ako na may fans na 'di ko ini-expect. May supporters sa iba-ibang lugar tapos sinurprise din nila ako," dagdag ni Lance.

Sina Renwick at Miguel naman, hindi mabilang ang best parts na mapasama sa "Idol Philippines" Top 12.

"Sobrang dami ko fans ngayon 'di ako makapaniwala, First time ito nangyari sa buhay ko. Sobrang blessed ko, sobrang nagpapa-thank you ako kay God," ani Renwick.

"The best part is really the fans and the supporters who really show what they appreciate about you, I think that's really valuable," ani Miguel.

At para kay Dan at Lucas, pinakamasaya ang bagong pamilya na nabuo sa Top 12 ng "Idol Philippines."

"For me, isa rin 'yung naging family kami," ani Dan.

"Bago po ang lahat gusto ko palakpakan natin ang Top 12. Palakpakan natin ang isat isa," hirit ni Lucas sa mga kasama.

Sasabak sa unang round ng performance ang Top 12 at pagpipilian ang mga kanta ng National Artist na si Ryan Cayabyab.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.