Tambalang Vivoree at Charles, bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 01:34 PM | Updated as of Jun 25 2019 01:50 PM

MANILA -- Bibida sa unang pagkakataon sa "Maalaala Mo Kaya" ang tambalang Vivoree Esclito at Charles Kieron.

Gagampanan nina Vivoree at Charles ang buhay at pag-iibigan ng "Idol Philippines" hopefuls na sina Jenny Lambit at Janluis Dimayuga na nagpakilig sa mga hurado ng programa.

Sa direksiyon ni John Lapus at panulat ni Noreen Capili, matutunghayan ang isang nakakatuwang kuwento ng pag-ibig ngayong Sabado, pagkatapos ng "Idol Philippines."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by V (@vivoree) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.