'PBB' housemate Franki, kumasa sa 'balut' challenge ni Kuya

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 12:23 PM

MANILA -- Kumasa at nagtagumpay ang "Pinoy Big Brother: Otso" housemate na si Franki Russell sa hamon ni Big Brother o Kuya na kumain ng balut.

Nitong Lunes, bago payagan ni Kuya na magkaroon ng party ang mga housemate ay kailangan munang malagpasan ni Franki ang hamon na tikman ang mga pagkaing tatak Pinoy tulad ng dilis, buchiron, chicharon bulaklak, chichaworms at balut.

"Because I know that you want to learn the culture of the Philippines, ang mga inihanda ko ay iba't ibang Pinoy na pagkain. Para maisama niyo 'yan sa inyong party, kailangan mong masabi ang pangalan ng mga ito at kailangan mo itong tikman," ani Kuya kay Franki ang tinaguriang "Wandering Stunner ng New Zealand."

"I've never tried this but every single Filipino in the whole world says try balut," ani Franki kay Kuya bago niya kainin ang balut sa tulong ng kanyang kapwa housemates.

Narito ang nakakatuwang reaksiyon ni Franki sa pagkain ng balut sa unang pagkakataon.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.