'Look for a star': Vice, Regine ipinaliwanag kung paano pinili ang 'Idol PH' top 12

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 08:40 PM | Updated as of Jun 26 2019 11:47 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nagpaliwanag sina Vice Ganda at Regine Velasquez ukol sa pamantayan at paraan ng pagpili ng mga hurado ng top 12 ng "Idol Philippines."

"It's pretty exciting. Medyo mahirap because, you know, this is not just a singing contest, we're not just looking for a good singer," ani Velasquez.

"There's a particular criteria that we're following. Based ito sa bible ng Idol Philippines," dagdag ni Velasquez.

"Inatasan kami to look for a star," ani Vice Ganda.

"Nag-seminar kami, 'yon ang talagang sinabi sa'min. He or she may not be the best technical singer pero siya ang may star potential," anang komedyante.

Matapos ang madugong kompetisyon sa Idol City, napili na ang top 12 ng "Idol Philippines."

Kasama rito sina Lance Busa, Renwick Benito, Matty Juniosa, Miguel Odron, Dan Ombao, Lucas Garcia, Zephanie Dimaranan, Elle Ocampo, Fatima Louise, Trish Bonilla, Sheland Faelnar, at Rachel Libres.

Isa pang trending sa social media noong nagdaang weekend ang contestant na si Roque Belino, na hindi nakapasok.

Simula na ngayong weekend ang bakbakan sa live rounds.

Sa unang linggo, ang tema ay ang musika ni Ryan Cayabyab at mismong ang National Artist for Music ang magme-mentor sa top 12.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.