Daniel Padilla, istrikto pagdating sa pakikipag-date ng inang si Karla Estrada

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 12:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ni Karla Estrada ang reaksiyon ng anak na si Daniel Padilla nang subukan niyang magpaalam kung maari na ba siyang makipag-date.
 
Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, matapos ibuking ng kapwa host na si Jolina Magdangal at guest na si K Brosas ang planong pakikipag-date ni Karla, sinabi ng huli na si Daniel ang istrikto pagdating sa ganitong bagay.

"Hindi ko alam doon sa anak ko. Sabi ko, 'Anak, puwede na ako makipag-date?' Sabi niya, 'Ma, ano ba yan? Mag-'Magandang Buhay' ka na lang.' Ano ito, hanggang pagtanda?" kuwento ni Karla.

"Okay lahat ng anak ko. Si Daniel lang ang very strict," dagdag ni Karla.

Si Daniel ang panganay sa apat na anak ni Karla ay anak ng aktres sa dating nobyo na si Rommel Padlla.

Wala mang inamin sa publiko, naging usap-usapan ang 'di umano'y breakup ni Karla sa pinakahuli nitong nakarelasyon.

Nito lamang Abril, inamin di ni Karla na hinahanap-hanap niya na ang magkaroon ng nobyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.