Crystal Brosas, panalangin ang bagong pag-ibig para sa inang si K Brosas

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2019 12:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Panalangin ng recording artist na Crystal Brosas ang bagong pag-ibig para sa kanyang inang si K Brosas.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes na kinunan sa tahanan ni Angeline Quinto, ibinahagi ni Crystal na lagi niyang ipinagdarasal ang isang pag-ibig para sa ina.

"Hindi alam ni mommy at hindi ko rin sinasabi sa lahat pero talagang pinagpi-pray ko po talaga," ani Crystal.

"Kasi sinasabi ko nga sa sarili ko since bata pa lang ako, siya talaga alone ang nagpalaki sa akin, bumuhay sa akin. Kumbaga parang ibinigay niya na ang lahat para sa akin. Ngayon naman it's time na mayroong isang lalaki na magbigay naman sa kanya," dagdag ni Crystal.
 
Sa ngayon ay masaya at excited ang mag-ina sa pagpapagawa ng kanilang bagong bahay.

Abala rin si K sa pag-promote ng concert kasama si Angeline na "Angeline K ‘to" na gaganapin sa Araneta Coliseum sa July 12.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.