Tommy Esguerra, nag-break muna sa showbiz dahil sa depresyon

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni dating "Pinoy Big Brother" housemate Tommy Esguerra na depresyon ang dahilan kung bakit nagpahinga siya sa showbiz.

Sa isang panayam, sinabi ni Tommy na mahal pa rin niya ang acting pero kailangan niyang itama ang kanyang priorities.

Apat na buwan nang naka-break sa showbiz si Tommy at nasa bansa siya ngayon para dumalo ng ilang events at campaign shoots pero babalik din siya ng California at Hawaii para makasama ang kanyang pamilya.

Huling nakita si Tommy sa pelikulang "Three Words To Forever" noong nakaraang taon.

-- Umagang Kay Ganda, Hunyo 24, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.