Andi Eigenmann, balik-showbiz sa pelikulang 'The Maid in London'

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2018 08:02 PM

Nagbalik-showbiz ang aktres na si Andi Eigenmann sa pinagbibidahan niyang pelikula na "The Maid in London."

Gagampanan ng aktres ang isang overseas Filipino worker (OFW). Makakasama ni Eigenmann sa pelikula ang aktor na si Matt Evans.

Inamin din ng aktres na bumubuti ang samahan nila ni Jake Ejercito na ama ng kanilang anak na si Ellie.

"Okay naman, we went through so much in the past, we were young. We [have] definitely grown passed that and I can say that we really had good partnership and I'm so proud of us," ani Eigenmann.

Paglilinaw ng aktres, hindi niya tinatalikuran ang pag-aartista at nagiging mapili lang aniya siya sa mga gagawing proyekto.

"Just wanting to give myself another chance like to 'do me' and I said 'I wanted to quit and get out of the showbiz life' but it didn't [mean] quit the life of an actor," dagdag ni Eigenmann.

Nakabase na ngayon sa Baler, Aurora si Eigenmann ngunit handa aniya siyang bumalik sa Maynila kung may proyektong gagawin.

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

"If ever po may offers para gumawa ng certain na pelikula, game naman po ako para doon pero for now, hindi na po ako taga Manila, taga-Baler, Aurora na po ako," anang aktres.

Mapapanood ang "The Maid in London" simula Hulyo 4.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.