PatrolPH

JC de Vera, excited na sa pagbabalik-trabaho

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2020 12:49 PM

MAYNILA -- Hindi maitago ni JC de Vera ang saya na muling magbalik sa pagtatrabaho sa kabila ng pangamba dala ng COVID-19.

"First time ko talaga lumabas ng pinto. Tapos work pa. As in very excited ako. Hindi ko na nga inisip kung ano ang mangyayari sa labas basta ang important ay makapag-start na ulit," ani JC sa pagbisita niya sa "Magandang Buhay" nitong Lunes.        

"More than doon sa fear na nararamdaman ko, mas nae-excite ako bumalik. Kasi ilang months din, almost three," dagdag ng aktor.
 

Watch more on iWantTFC

Aminado si JC na bilang isang magulang, may takot siya sa nangyayaring krisis pero giit niya, mas mahalagang makita ang mga positibong bagay at kahit ang pinakamaliit na mga biyaya. 

"As a provider may fear talaga everyday, di ba? Lalong-lalo na noong nag-quarantine. Nawalan lahat ng trabaho. So multiple sources of income, pati business outside hindi ba namatay din. Alam mo 'yun everyday may fear na, paano na? " ani JC.

"Pero hindi ka naman kasi nag-iisa eh. Lahat tayo ganoon. Parang everyday we make sure na sinasabi namin sa isa't isa na we are okay. As long as magkakasama tayong pamilya, we are okay. Mas mahirap naman kung isa sa atin 'yung nalayo tapos ganito pa 'yung nangyayari. So alam mo 'yung little things na lang 'yung naa-appreciate natin which is 'yung makasama natin 'yung family everyday. 'Yung worry na nawalan ng trabaho sinet aside na lang namin eh. Kasi kung ikaw nagwo-worry ka na wala ka ng trabaho what more 'yung mga kapamilya pa natin, marami sila," dagdag niya.
 
Sa panahon ng lockdown, ibinahagi ni JC ang kasiyahan na makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Watch more on iWantTFC

"Kasi noong ipinanganak si Lana, mayroon akong ginagawang soap, yung sa amin nina Piolo. After that soap nag-'General's Daughter' ako kaagad. So alam mo 'yung nawawala ako palagi sa bahay, 'yung hindi ako 100%, 24/7 na nasa tabi nila. So itong lockdown, ito 'yung naging opportunity na na-grab na everyday ko sila nakikita, simula sa pagdilat ng mga mata nila hanggang sa pagpikit ng mga mata nila. Kumbaga na-memorize ko ang bawat kilos nila. Ako, 'yun lang 'yung take away ko sa lockdown. Parang hindi ko na naisip na hindi tayo makalabas, hindi tayo makakita ng ibang lugar. Parang mas na-cherish ko 'yung moment na nandoon kami lahat sa isang kuwarto, sa isang bahay, sabay-sabay kami kumakain, sabay-sabay naalagaan 'yung baby namin. Sobrang sarap sa pakiramdam," ani JC.

Noong 2018 nang ibunyag ni JC na siya ay isa ng ama

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.