PatrolPH

Andi, hindi ipagpapalit ang buhay sa Siargao, kahit pa miss na ang pag-arte

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2020 02:15 PM

MAYNILA -- Kahit aminadong hinahanap-hanap niya ang pag-arte, iginiit ni Andi Eigenmann na hindi ito magiging sapat para iwanan niya ang simple at masayang buhay sa isla ng Siargao kung saan na siya naninirahan kasama ang kanyang pamilya.

"In terms of sa buhay siyudad, ang nami-miss ko lang ay ang pamilya ko kasi wala sila, ako lang ang nandito at saka si Ellie normally. And in showbiz, I really miss acting. ... but it's not to the point that I wish I could go back. I wouldn't trade the lilfe I have now for anything else," ani Andi sa panayam ni Korina Sanchez sa "Rated K" nitong Linggo.

Kasama rin sa panayam ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo, ang dahilan kung bakit naninirahan ngayon sa isla si Andi nang higit dalawang taon na.

Sa nasabing panayam, ibinahagi ni Andi kung bakit siya nag-desisyon na sa isla na manirahan.

"It was probably Philmar that made me or gave me the courage to actually make that decision but 'yung tumira po sa isla pangarap ko na siya noon pa na akala ko ay hindi ko siya maabot. Kasi lahat ng oras ko ay nasa pag-aartista at 'yung unang sign na naisip ko na baka hindi na muna ito para sa akin is 'yung nagkaroon na ng maraming time na wala ako sa importanteng events ng buhay ng anak ko ni Ellie," ani Andi. Si Ellie ang anak ni Andi sa dating nobyo na si Jake Ejercito.

"I wanted to be hands-on so I decided to take a break. While taking a break, I also got the chance to find myself and get out there and do the things that I've always wanted to do and that's going to different islands here in the Philippines. So I met surfing and I fell in love with the sport. Noong na-experience ko ang life sa Siarago, lalo na noong nakilala ko si Philmar, doon ko po mas naisip na ay parang mas dito ako nababagay. Parang mas dito kami masaya ng anak ko na si Ellie. And then we built a family together," ani Andi na may isa ng anak kay Philmar.

Sa ngayon plano ni Philmar at Andi na manatili sa Siargao at magkaroon ng maliit na negosyo para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.

"Plan namin na dito lang, tapos home school. Magtayo rin ng maliit na business para at least masuportahan ng maayos ang mga bata namin," ani Philmar.

At para naman sa Father's Day, pinapurihan ni Andi si Philmar sa pagiging mabuting tatay.

"I feel beside being a surfer, his focus is really being a father and I really love seeing my daughter grow with him. ... I only realized that now I picked the right partner because he takes care of me so well and it has passed on to how he takes care of Lilo and also Ellie," ani Andi.

Narito ang panayam kina Andi at Philmar sa "Rated K."

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.