Erich, nagkuwento kung paano mag-move on

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 07:26 PM | Updated as of Jun 23 2017 01:18 PM

Marami sa mga brokenhearted ang kumakapit sa hugot lines at nagmukmok. Ngunit, para sa aktres na si Erich Gonzales, ginamit niya ang karanasan para mas mapabuti ang sarili.

Ilang buwan mula ang hiwalayan nina Gonzales at Daniel Matsunaga, makikita na #lifegoals at #bodygoals ang aktres na kasalukuyang sumasabak sa bagong proyekto.

Ayon kay Gonzales, marami ang nagtatanong sa kanya kung paano niya nalampasan ang hiwalayan. Narito ang ilang tips na ibinahagi ng aktres kung paano nga ba mag-move on:

1) "You just have to accept e. May mga bagay talaga na kahit anong gusto mong mangyari, hindi talaga e, kasi hindi talaga e, hindi talaga ‘yun para sa’yo."

2) "Train your mind to see the good in everything."

3) "Focus on the now, hindi na ‘yung past: ‘yung now and then ‘yung future mo."

4) "Do things that will make you feel whole."

5) "It’s also important to prioritize yourself. It’s not being selfish, it’s necessary."

6) "If you wanna be strong, you have to learn how to be alone. Like me – alone but not lonely, ‘di ba?"

Kuwento ni Gonzales, dumating din naman sa punto na umiiyak siya nang mag-isa. Ngunit, naisip niya na tanggapin na lamang ang nangyari. Napagtanto rin niyang may mas mabuti pang nararapat para sa kanya.

Sa ngayon, hindi siya nagmamadaling makipagrelasyon muli. Aniya, "Kapag mahal mo ang sarili mo, darating ang tamang tao para sa'yo."

Gonzales, aarte at magpo-produce ng pelikula

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

Samantala, pinasilip din ni Gonzales ang set ng suspense-action movie niya na 'We Will Not Die Tonight'.

Bukod sa pagiging bida, producer din siya ng pelikulang ito. Ayon sa aktres, napahanga siya sa kuwento ng pelikula kaya sumabak siya sa pagpo-produce nito.

"Tapos nung binasa ko 'yung script, sabi ko, 'Ooh..interesting. Something na wala pang nakakagawa... I wanna take the risk.' It doesn't matter kung ano magiging outcome. I mean, kung kikita or hindi... I just wanna, like, tell a story talaga," ayon kay Gonzales.

Walang arte naman ang itsura ni Gonzales sa set. Duguan ang make-up at pawis na pawis ang katawan niya.

Astig din ang kilos niya sa pelikula – nandadamba ng lalaki, nananadyak, at nananaksak pa.

-- Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.