PANOORIN: 'It's Showtime,' nagbigay-pugay kay Eddie Garcia

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 02:31 PM | Updated as of Jun 21 2019 02:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagbigay-pugay ang "It's Showtime" at mga host nito sa yumaong beteranong aktor at direktor na si Eddie Garcia.

Nitong Biyernes, sa pangunguna ni Vice Ganda, inalala nila ang makulay na buhay ni Eddie.

Matatandaang nagkasama sina Vice at Eddie sa pelikulang "The Unkabogable Praybeyt Benjamin."

"Mula doon sa araw na nag-storycon kami, dire-diretso na hanggang ngayon, naging apo niya na ako. Tuwing magkikita kami, ang tawag niya sa akin ay 'apo, Benjamin.' At ang sarap-sarap sa pakiramdam na nagkaroon ako ng lolong si Eddie Garcia... Isang malaking karangalan sa akin 'yon," ani Vice.

Magkakasama naman sina Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Randy Santiago, Karylle, at Kyla sa pag-alay ng mga awitin para kay Eddie.

Samantala, pinangunahan naman ni Anne Curtis ang panalangin para sa yumaong aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.