Coco at Albert, binalikan ang masayang alaala kasama si Eddie Garcia

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 12:36 PM

MANILA -- Muling binalikan nina Coco Martin at Albert Martinez ang mga masasayang alaala nila kasama si Eddie Garcia na pumanaw nitong Huwebes.

Sa magkahiwalay nilang post sa Instagram, ibinahagi nina Coco at Albert ang kanilang mga masasayang sandali kasama si Eddie na nakatrabaho nila sa "FPJ's Ang Probinsyano."

"You will be missed," ani Albert sa caption.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Albert Martinez (@albertmartinezph) on

"Habangbuhay kang nasa puso namin, Lo. Mahal kita!" pahayag ni Coco sa caption ng pinakahuli niyang post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Nauna nang nagpahiwatig ng kalungkutan si Coco sa pagkamatay ni Eddie na itinuturing niyang kaibigan at lolo.

Samantala, nag-post din si Yassi Pressman, isa pa sa mga bituin ng "Ang Probinsyano," ng isang video kung saan kita ang masaya nilang pakikipagsayawan ni Bianca Manalo sa beteranong aktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

😞

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.