BoybandPH, may bagong single

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 12:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang bagong awitin ang handog ng BoybandPH sa kanilang mga tagahanga.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, nagbahagi ang grupo tungkol sa kanilang bagong single.

"Sa title pa lang po, 'Hanggang Kailan Kaya,' ito po ay para sa mga naghihintay na sagutin sila. Para sa kanila po ito. Sa mga may crush po diyan, kung tinatanong niyo hanggang kailan kaya, baka po masagot namin 'yan," ayon sa isang miyembro ng BoybandPH na si Tristan Ramirez.
 
Ilalabas ang official music video ng "Hanggang Kailan Kaya" sa MYX at YouTube channel ng Star Music ngayong Biyernes.
 
Ang grupo na binubuo nina Ramirez, Ford Valencia, Joao Constancia, Niel Murillo, at Russell Reyes ay nasimulang makilala noong 2016 matapos nilang magwagi sa "Pinoy Boyband Superstar."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.