PatrolPH

PANOORIN: Kean, nagsulat ng awit para sa anak na si Stellar

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 12:49 PM

MANILA -- Sa unang pagkakataon sa telebisyon ay ipinakilala ni Kean Cipriano ang anak nila ng aktres na si Chynna Ortaleza na si Stellar Leone.

Bumisita ang mag-ama sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkules.

Ayon kay Kean, ang pangalang Stellar ay hango sa paborito nilang awitin mula sa grupong Incubus at ang Leone naman ay hango sa pangalan ng kanyang yumaong ama na si Leonardo.

Aminado si Kean na ibang klaseng kasiyahan ang ibinigay sa kanya ng anak na si Stellar.

"It's very, very tiring but it's the most rewarding thing in the world," ani Kean.

"Iba din 'yung effect niya sa amin na mag-asawa dahil definitely na strengthen 'yung relationship namin ni Chynna kasi may nino-nurture kayo na human being, hindi ba? Pero 'yung major change sa akin, nagkaroon ako ng sense of direction sa buhay ko. Akala ko old cliche lang 'yon, siyempre rock and roll, pero noong nandiyan na siya lahat ng bagay ay nasa tamang ayos, nasa tamang puwesto," dagdag ni Kean.

Sa "Magandang Buhay" ay ibinahagi din ni Kean ang kanyang ginawang kanta para sa anak na may titulong "Hand in Mine ."

"Nasulat ko ang song na 'yon isang random day bago siya maligo. Kung may pamamana man ako sa anak ko, kung wala na ako sa mundo at least mayroon siyang kanta, tingin ko kasi song ay imortal. Gusto ko lang kapag napi-feel niya na down siya ay maririnig niyang mayroon akong song. At advice ko na din sa kanya 'yon na parang sinasabi ko sa kanya na just take your time, you're only young for a while and whatever happens nandito lang ako," ani Kean.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.