PatrolPH

Morissette, abala sa bagong show kasama si Michael Bolton

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 11:42 AM

Watch more on iWantTFC

MANILA -- Labis ang kasiyahan ni Morissette Amon sa pinakabagong proyekto kasama ang mang-aawit at kompositor na si Michael Bolton.

Sa panayam ng "Magandang Buhay" via phone patch nitong Huwebes, nagbahagi si Morissette tungkol sa pinakabagong reality talent show na "Asian Dream" na kinukunan ngayon sa Singapore.

"Mayroon kaming shinu-shoot dito sa Singapore, tinatawag po nating 'Asian Dream' na kasama ko po si Michael Bolton na maghanap ng susunod na Asian star. Ako po ang co-host," ani Morissette.

Pag-amin ni Morissette, iba ang saya na maibandera ang lahing Pinoy sa international scene.

"Sobrang nakaka-proud po at very honored po ako kaya excited po ako sa bawat opportunity na ibinibigay sa akin. Kahit saan po lagi nating i-wave ang flag ng Philippines," ani Morissette.

Ngayon ay isang buwan nang wala sa bansa si Morissette dahil sa kanyang trabaho sa Singapore.

Noong 2017, naging co-host din si Morissette ni Bolton sa Asian talent show na "Bolt of Talent."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.