Korean actor Park Bo Gum nasa Pilipinas na para sa fan meet

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 06:38 PM | Updated as of Jun 20 2019 08:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tuloy na tuloy na ang fan meet sa Pilipinas ng South Korean actor na si Park Bo Gum, na dumating na sa bansa ngayong Huwebes.

Pasado alas-11 ng umaga nang dumating si Park sa Ninoy Aquino International Airport sa Terminal 1, na mainit na sinalubong ng ilang mga tagahangang nag-abang sa labas ng paliparan.

Pagsakay ng kotse, binaba ni Park ang bintana at kinawayan ang mga tagahanga.

Abril 24 nitong taon nang kanselahin ang fan meet ni Bo Gum dahil sa nagdaang lindol.

Hindi naman maitago ni Anne Curtis ang kaniyang pananabik sa pagiging host sa fan meet ng heartthrob.

Namigay din si Curtis ng mga tiket para sa event.

Isa sa mga K-drama na pinagbidahan ni Park ang "Love in the Moonlight," na ipinalabas sa ABS-CBN at kung saan nakita ang husay ng aktor sa pag-arte.

Idaraos sa Sabado, Hunyo 22, ang fan meet sa Mall of Asia Arena.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.