Ian Veneracion, aminadong kabado sa concert

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 11:38 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Aminado ang aktor na si Ian Veneracion na kabado siya sa kanyang nalalapit na concert na "Ian: In Color."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes, nagbahagi si Ian tungkol sa kanyang concert na magaganap sa Music Museum ngayong Hulyo 11 at 12.

Ayo kay Ian, kabado siya na makasama bilang guest artist sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

"Kapag naririnig ko si Regine na kumakanta parang mas gusto kong makinig na lang. Parang baka makalimutan 'yung parts ko," paliwanag ni Ian.

Ayon kay Ian, aasahan ng kanyang mga tagahanga na gagawin niya ang mga paborito niyang awitin.

"Yung mga music na nag-enjoy ako na tugtugin, old school and yes maggi-gitara ako," ani Ian.

Maliban sa kanyang concert, bibida rin si Ian sa pelikulang "Block Z" kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.