Anne Curtis, namigay ng tickets sa fans ni Park Bo Gum

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Namigay ng tickets si Anne Curtis para sa nalalapit na fan meet ng Korean star na si Park Bo Gum.

Inanunsiyo ni Anne sa Twitter ang mga nanalo ng tickets para sa event na gaganapin sa Hunyo 22.

Si Anne mismo ang magsisilbing host sa nasabing fan meet.

Nakilala ng Pinoy fans si Park Bo Gum sa mga palabas na "Hello Monster," "Reply 1998" at "Love In The Moonlight."

-- Umagang Kay Ganda, Hunyo 20, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.