PatrolPH

ALLMO$T, naglabas ng bagong awitin

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2020 12:04 PM

MAYNILA -- Naglabas ng bagong single ang ALLMO$T, ang grupong nagpasikat ng awiting "Dalaga."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Biyernes, nagbigay ng ilang detalye ang grupo tungkol sa pinakabago nilang awitin na "Lagi Kang Kasama."

"Nagawa namin siya parang kinonekta lang namin sa mga couple ngayon. Mas nakikilala niyo ang isa't isa kapag lagi kayong magkasama," ani Crakky, isa sa miyembro ng ALLMO$T.

Kamakailan lang ay inilabas na ng grupo ang bago nilang album na may pamagat na "This is Us."

Maliban sa "Lagi Kang Kasama," nakatakda pang maglabas ng mga bagong awitin ang ALLMO$T. 

Narito ang panayam ng "UKG" sa ALLMO$T. Simulang panoorin ang video sa oras na 50:40 hanggang 58:00.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.