Lea Salonga, nagalit sa nagpakalat ng balitang umalis na siya sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 11:22 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Nagalit si Lea Salonga sa nagpakalat ng pekeng news na nagsasabing umalis na siya sa showbiz.

Sa kanyang Instagram post, iginiit ni Lea na malabong lisanin niya ang showbiz dahil gusto niya ang kanyang trabaho.

Itinanggi rin niyang nage-endorso siya ng isang skin care product.

Isa si Lea sa bida ng pelikulang "Yellow Rose" na nanalo naman ng grand jury prize sa 35th Los Angeles Asian Pacific Film Festival, 2019 Bentonville Film Festival at CAAMFEST37.

-- Umagang Kay Ganda, Hunyo 19, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.