Kyle Echarri at Seth Fedelin, may alitan nga ba?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 11:58 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bagong kinakikiligan tuwing hapon sina Seth Fedelin at Kyle Echarri na leading men nina Andrea Brillantes at Francine Diaz sa teleseryeng "Kadenang Ginto."

Kaya naman nilinaw ni Kyle na walang tensiyon sa pagitan nila ni Seth na malapit niyang kaibigan.
 
"Wala kami competition. Para sa amin po magkakaibigan kaming apat so there's nothing to worry about between us," ani Kyle.

Kuwento pa ni Seth, nakakita siya ng mga bagong kaibigan sa mga co-stars sa serye.
 
"Alam namin sa aming apat na matibay ang samahan namin pero ang masasabi ko sa kanila dapat magmahalan sila, love lang," ani Seth.

Para kay Seth, bagong pagkakataon ito na ibinigay sa kanya matapos ang kanyang injury. Kaya naman inspired siya na mas galingan pa ang pagtatrabaho.
 
"May isang problemang nangyari sa akin noong nabalian ako ng tuhod. Akala ko hindi na mangyayari itong ganito. Tapos nagtiwala lang ako sa mga tao na nandiyan sa likod ko," kuwento ni Seth.

Inaasahan ang mas marami pang pasabog na mga eksena sa "Kadenang Ginto" tuwing hapon na dapat abangan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.