Andrea at Francine, may pakiusap sa fans

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 11:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv


 
MANILA -- Larawan ng masayang magkaibigan sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Ayon sa dalawang bida sa afternoon serye na "Kadenang Ginto," malaking bagay ang bonding nila habang nasa set ng kanilang top-rating na serye.

"Siyempre po masaya po kasi nagkaroon po ako ng bagong friends," ani Francine.

"Yes! Bagong squad! Tapos masaya rin kasi parang magkaka-age din kami lahat," hirit naman ni Andrea.

Mensahe naman ni Andrea sa kanilang fans na affected ng mga intriga at pagkukumpara sa kanila ni Francine na huwag paapekto at maging positibo.

"Siyempre ayaw namin na nag-aaway sila, kasi po kami sobrang friends kami, lahat maayos. Kaya ayaw sana namin na mag-aaway sila," ani Andrea.

At dahil kinakapitan tuwing hapon ang "Kadenang Ginto," nagbigay ng teaser si Francine at mukhang nadulas si Andrea sa mga dapat abangan.

"Napakarami po, kilig, lungkot, revelations lahat na po," ani Francine.

"Accident!" dagdag ni Andrea.

Asahan ang mas marami pang projects sa Gold Squad ng "Kadenang Ginto."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.