PatrolPH

PANOORIN: KaladKaren, nakatapat si Krissy Achino

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2020 02:17 PM

MAYNILA -- Nakakatuwa ang naging paghaharap nina KaladKaren at Krissy Achino sa "Umagang Kay Ganda" nitong nitong Huwebes, Hunyo 18. 

Si Krissy Achino ay si Chino Liu sa totoong buhay na kilala sa panggagaya niya sa aktres at host na si Kris Aquino.

Sa kanilang tapatan, sinagot din ni Krissy kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso ngayong nauugnay siya sa isang TV host.

"You know what to be honest KaladKaren, I have to be honest ha, kasi matagal na akong sumuko sa love. Mayroon na akong action stars, basketball players, city mayors. Sabi ko ngayon mukhang TV host naman," ani Krissy. 

Maliban sa masaya nilang kumustahan, sumabak din sa hamon ng "UKG" si Krissy kung saan ginaya niya ang pag-arte ni Kris sa mga pelikulang ginawa nito.

Narito ang nakakatuwang tapatan nina KaladKaren at Krissy.

Simulang panoorin ang video sa oras na 23:22 hanggang 34:57.

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.