Pokwang, suportado ang anak na si Malia sa showbiz

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 11:52 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Unti-unti nang gumagawa ng pangalan sa showbiz ang anak ni Pokwang na si Malia.

Sa isang panayam, sinabi ni Pokwang na hindi niya pipigilan ang anak kung sakaling gugustuhin niyang pasukin ang showbiz.

Pero ayon kay Pokwang, gusto pa rin niyang makatapos ng pag-aaral si Malia.

Kamakailan ay inilabas nga ang kauna-unahang single ni Malia sa ilalim ng Star Music.

-- Umagang Kay Ganda, Hunyo 18, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.