Liza at Enrique, nag-enjoy sa Madame Tussauds sa Hollywood

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 12:11 PM | Updated as of Jun 18 2019 01:23 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Namasyal sina Enrique Gil at Liza Soberano sa sikat na wax museum na Madame Tussauds sa Hollywood, California.

Sa mga retrato na ibinahagi ng kasama nila na si Joni Lyn Castillo-Pillarina sa Instagram, kitang enjoy na nagpa-picture ang dalawang Kapamilya star sa iba't ibang wax figure.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi rin si Liza ng mga retrato na kuha mula sa kanilang pamamasyal.

Nasa Estados Unidos pa rin si Liza para magpagaling mula sa kanyang fractured finger operation.

-- Umagang Kay Ganda, Hunyo 18, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.