Shooting ng Marawi movie, aarangkada na: Robin

ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2018 09:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Malapit nang simulan ang shooting ng isang pelikulang tungkol sa limang buwang bakbakan ng militar at teroristang grupong Maute sa Marawi, ayon sa aktor na si Robin Padilla.

Ayon kay Padilla, makabuluhan ang pelikula dahil sa pagnanais nitong maipakita sa mga manonood ang nangyari sa giyerang nag-iwan ng pinsala sa lungsod.

"Mahalaga iyon kasi iyong message dapat ng nangyari sa Marawi, hindi dapat natin makalimutan iyon. Hindi dapat siya malaos sapagkat iyon ay past, present, at future situation ng ating bansa," sabi ni Padilla. 

Ayon pa kay Padilla, ikinalungkot niyang hindi napunta sa pamangking si Daniel ang isa sa mga mahalagang papel sa pelikula.

"Nalungkot lang ako noong hindi si Daniel ang nakakuha," aniya.

Makakasama ni Padilla proyekto sina Joyce Bernal bilang direktor at Piolo Pascual bilang producer.

Ipinahayag din ni Padilla ang kaniyang suporta sa pagbabalik sa showbiz ng misis na si Mariel Rodriguez.

"Kahit labag sa kalooban ko basta masaya siya, masaya ako," aniya.

Mapapanood si Padilla sa "Sana Dalawa Ang Puso" mula Lunes hanggang Biyernes bago ang "It's Showtime."

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.