PatrolPH

Kim at Xian, matatagalan pa bago makapag-travel muli

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2020 01:37 PM | Updated as of Jun 17 2020 01:56 PM

MAYNILA -- Matatagalan pa ang magkasintahan na sina Kim Chiu at Xian Lim na muling makalabas ng bansa para mamasyal. 

Sa virtual conference para sa nagbabalik na serye na "Love Thy Woman," ipinaliwanag ni Kim na kailangan nilang pag-ingatan ang mga sarili dahil na rin sa sakit na COVID-19.

Pag-amin ni Kim, miss na nila ni Xian ang mag-travel pero mukhang matatagalan pa bago ito muling mangyari. 

"Since ngayong lockdown gusto namin ay bagong experience. 'Yung na-miss na puntahan? Siguro 'yung each other, wow! Kasi hindi kami masyado magkasama. Hindi kami masyado nagkikita. Bilang lang sa kamay ko kung ilang beses kaming nagkita pero sandali lang," ani Kim.

"Siguro sa danger ngayon siguro mga two years after na lang ang travel or next year. Pero ngayon huwag na muna mag-risk kasi nakakatakot pag-uwi mo may pasalubong kang COVID," ani Kim na kasamang bida si Xian sa seryeng "Love Thy Woman" na muling napapanood sa pamamagitan ng Kapamilya Channel.

Narito ang ulat ng "Umagang Kay Ganda" tungkol kay Kim. Simulang panoorin sa oras na 35:06 hanggang 36:54.

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.