Angeline at K, nagbenta ng ticket sa kanilang fans

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 12:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv


 
MANILA -- Almost ready na sina Angeline Quinto at K Brosas para sa kanilang nalalapit na concert na "Angeline K To.'"

Ginulat nila ang fans sa kanilang personal na pagbisita sa ticket booth ng Araneta Coliseum para tumulong sa pagbenta ng tickets ng concert at maki-bonding kasama ang pa-picture sa kanilang fans.

Kuwento ni Angeline, ibang excitement na ang kanyang nararamdaman para sa kanilang unang pagsasama sa concert stage.
 
"May ilang mga show na rin akong nagawa dito sa Araneta Coliseum, pero ito 'yung first time na makakasama ko si Ate K," ani Angeline.

First-timer naman sa Araneta si K Brosas na hindi inasahan ang pagsuporta sa kanya ng mga fans ni Angeline.
 
"First time ko dito. Ito din ang unang beses na makikibakas ako sa mga fan ni Angeline. ...Pero may mga fans din ako diyan... kaya maraming salamat," ani K.

Mapapanood sina Angeline at K sa "Angeline K To" concert ngayong July 12 sa Araneta Coliseum sa direksyon ni John Prats.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.